Tubig sa Agno River tumataas

DAGUPAN CITY – Inamin kahapon ng Agno River Basin Flood Forecasting Weather Center (ARBFFWC) na patuloy na tumataas ang tubig sa Agno River pero hindi pa ito nakaalarma.

Sa ulat ni Engr. Hilario Esperanza, hepe ng ARBFFWC, nadaragdagan ang tubig sa San Roque Dam dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan.

Gayunman nilinaw ni Esperanza na kayang magpakawala ng tubig ang San Roque Dam na walang naaapektuhang lugar sa Pangasinan.

Kamakalawa nagpakawala ng tubing ang nasabing dam sa pamamagitan ng pagbukas ng dalawang water gates nito upang mabawasan ang water volume ng San Roque Dam.

Sa Pangasinan, hanggnag kahapon ay normal naman ay sitwasyon hinggil sa nararanasang pagbuhos ng ulan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply