Tugboat tumaob, chief engineer tepok

NASAWI ang isang chief engineer makaraang tumaob at lumubog ang sinasakyang tugboat bunsod ng malakas na alon sa Calatagan, Batangas.

Base sa inilabas na ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), natagpuan ang bangkay ni C/E Sinenen Bobier na isa sa mga sakay ng M/Tug Phil Pasig habang ligtas naman ang limang iba pa na sakay ng naturang tugboat na kinilalang sina Samuel Abad, Dave Alcantara, Joel Basilan, Jimmy Pinto at Rico Catipunan.

Nabatid na mula sa Maynila ay hinihila ng naturang tugboat ang isa pang tugboat patungo sa Mabini anchorage nang salpukin ng malalakas na alon, dahilan para tumaob ito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply