Tulong pangkalusugan, karapatan ng kababaihan

NANINIWALA si Senate Majority Leader Vicente Sotto na karapatan ng mga kababaihan na mabigyan ng tulong para maisulong ang kanilang kalusugan.

Ayon sa senador, hindi umano siya tutol na bigyan ng tulong ang kababaihan, pero gawin umano ito sa ibang paraan at para maipagamot ‘yung mga nangangailangan, hindi yung magdistribute ng condon at IUD at sabihing essential medicines.

“Gusto ko, ipaunawa nila sa publiko, ano ang purpose, para mabawasan ang tao- ano ang curative value ng mga iniinom para hindi ka mabuntis, eto ba ay sakit para gamutin?,” ani Sotto.

Ayon pa sa senador, period of amendments umano ‘yung provision sa contraceptives, iba ang essential medicines.

“Gusto ko  i-amend. Kung tatanggapin ng isponsor salamat, pero kung hindi naman pagbobotohan para malaman kung sino ang kontra at pabor at pananagutan natin iyan sa bansa, kung ano ang naging epekto nito,” ani Sotto.

Nalulungkot umano si Sotto, dahil nauuwi sa personalan ang debate sa reproductive health (RH) bill, na dapat sana’y mahinahon ang usapan sa nasabing isyu.

“Totoo na malaki ang kaugnayan sa bansa natin, kaya dapat ingat sa pagsusuri dyan, iginagalang ko ang  opinion ng iba, ako naman ay may paningin hindi lamang  sa relihiyon, although malaki ang paniniwala ko sa panginoon, dapat bawat isa sa atin igalang natin ang relihiyon at be, life, paniniwala at  konsensya ng bawat isa sa atin—pero mas may mabigat na bagay  tungkol diyan.. ang bansa natin ang kabuuan  ng sambayanan ano ang mangyayari sa atin sa loob ng isang  tagpo kung gagawin natin kagaya ang ginawa sa ibang bansa na ngayon  ay naghihirap dahil nga yung populasyon ay mas nakakarami na ang matatanda—kailangan natin na mabalanse  ang matatanda sa kabataan. Hanggat kailangan  ang lahi natin ay magpapatuloy hindi lamang sa isang  dekada, isang daang taon kundi habang buhay,” ani Sotto.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply