Tumangging makipag-sex, Misis binugbog ni Mister

KULONG ang mister matapos ireklamo ng pananakit ng asawa na tumangging makipag-sex sa una sa Caloocan City kaninang madaling araw.

Nakilala ang suspek na si Lorenzo Tan, 38 ng Tagaytay st., ng lungsod.

Sa pahayag ng asawa ng biktima na si Annabelle, 39, dakong ala-1:30 ng madaling araw, lasing na umuwi sa kanilang bahay ang suspek at inayang makipag-sex ang asawa.

Tumanggi ang biktima na naging dahilan upang magwala at nang makita ang dalagitang anak ay hinaltak sabay pakita ng ari ng suspek.

Inawat ng biktima ang asawa na lalong nagalit at sinaktan ang una.

Nagawang makahingi ng tulong ang mag-ina sa barangay tanod at ipinadakip ang suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply