Tunay na asal ng MMDA at ‘bookies’ sa Caloocan

GALIT tayo kay Robert Blair Carabuena dahil sa ginawa nitong pananampal sa mahinahon na kasapi ng MMDA na si Saturnino Fabros.

Kaya naman isa tayo sa mga lumapirot dito sa nagtapang-tapangan na empleyado ng Philip Morris.

Habang pinanonood natin sa video ang mayabang na astang hayop na si Carabuena ay isa lang ang pumasok sa aking isipan.

Gaano pa kaya kung naging kabarilan, kaklase o kamag-anak ito ni PNoy?

Tangna, parekoy, papatay ito ng tao sa kalsada!!!

Pero sa totoo lang, noong isang araw ay bigla kong hinangaan itong si Carabuena.

Nilunok niya ang “pride” at nagpakumbaba na pumunta sa tanggapan ng MMDA para humingi ng dispensa at binasa ang isang public apology.

Kung tanggapin man o hindi ni Fabros at MMDA Chair Francis Tolentino ang paghingi ng despensa ni Carabuena ay ibang usapan na ‘yun!

Nalungkot lang tayo, parekoy, dahil nang pumunta si Carabuena ay ipinakita lamang ni Tolentino at ng mga taga-MMDA ang kanilang tunay na kulay. Dahil pinagbabato ito ng mga bote ng mineral water!

Sa puntong ito ay iwinagayway ng ilang taga MMDA  ang kanilang tunay na asal, bastos!

Maging si Chairman Francis Tolentino ay nabahiran nitong kabastusan at ipinakita ang kawalang kontrol sa kanyang mga gagong tauhan!

Ok na sana ang ipinakitang hinahon ni Fabros, dapat ay ginaya na ito ng kanyang kasamahan para masasabi nating tuluyan na ngang tumino ang utak ng mga taga-MMDA!

-o0o-

PATONG si PNP City Director S/Supt. Jude Santos sa talamak na “bookies” o iligal na sugalan na naglipana sa Caloocan. Ito ang ibinunyag mismo ng ilang mayayabang at madadaldal na tauhan ng bookies king na si Boy Edmund.

Ang yabang parekoy, nitong mga tauhan ni Boy Edmund dahil maging ang maraming taga-media ay pasok na umano sa kanilang iligal.

Bakit nga pala bitbit nila si Marjorie Barretto? Ha?

-o0o-

Pakinggan sa DZME-1530Khz ang aking prog-ramang  ALARMA-Kinse Trenta (Monday-Friday, 5-6pm). Para sa inyong reaction: 09098992775.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply