Typhoon Igme palapit na sa Batanes, Storm warning no. 1 itinaas na

ITINAAS na naman sa storm warning signal No. 1 ang Batanes Group of Islands dahil sa patuloy na paglapit sa teritoryo ng Pilipinas ang Typhoon Igme.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 310 kilometro sa kanluran-hilagang-kanluran ng Basco, Batanes, taglay ang maximum sustained winds na 140 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at may pagbugsong umaabot ng 170 kph.

Bahagyang bumilis ang usad ng bagyo sa 13 kph patungong hilagawang-silangan.

Una nang tumama sa Taiwan ang sentro ng bagyo noong nakaraang linggo subalit dahil sa bagyong Julian, nahatak ito pabalik ng Philippine area of responsibility.

Inaasahan ang pagpasok nito sa bansa ngayong gabi.

Samantala, ilang domestic flights na rin ang kinansela dahil sa sama ng panahon.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply