U.S. Olympic team mapapalaban sa Argentina

SASABAK muli ang U.S. Olympic basketball team kontra sa tropa ni Manu Ginobili ng Argentina bukas ng madaling araw sa nagaganap na 30th Summer Olympic Games sa London.

Malinis sa apat na laro ang U.S. na binubuo ng mga NBA stars at kailangan nilang ipanalo ang huling laro sa preliminary round upang makapagbigay ng mensahe papasok sa quarterfinals.

Sa huling laro ng American cagers napahirapan sila kontra Lithuania dahil limang puntos, 99-94 lang ang kanilang lamang.

Sa huling minuto ng laban ay inako na ni three-time NBA LeBron James ang opensa para takasan ang masamang balak ng mga Lithuanians players.

Apat na teams ang papasok sa bawat grupo kung saan ang Russia ang nangunguna sa Group B hawak ang kartang 4-0.

Panigurado ng papasok sa Group A ang France at Argentina na may tig 3-1 win-loss slate habang agawan sa pang-apat na puwesto ang Lithuania at Nigeria na may 1-3 baraha.

Pasok naman na ang Brazil at Spain na may parehong 3-1 karta at Australia hawak ang 2-2 record.

Sa ibang laban sa group A maghaharap ang Lithuania at kulelat na Tunisia habang Nigeria at France ang maghaharap.

Sa Group B ay makakalaban ng Russia ang Australia, Brazil laban sa Spain habang ang dalawang 0-4 karta na China at Great Britain ang mag-babangayan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply