UAAP games ngayong araw kanselado

KANSELADO ang laro sa men’s basketball tournament ng UAAP ngayong araw. Ito ang abiso ng pamunuan ng UAAP.

Nagdesisyon ang pamunuan ng liga na kanselahin ang mga laro ngayong araw dahil sa inaasahang magpapatuloy pa ang pagbuhos ng ulan.

Nakatakda sanang magsagupaan ang De La Salle University Green Archers at Adamson Falcons sa dakong alas-dos ng hapon at main game sana ang bakbakang University of Santo Tomas Growling Tigers at University of the East Red Warriors.

Ang kanselasyon ng laro ngayong araw ay ang ikalawang pagkakataon na na-postpone ang laro dahil sa malakas na ulan at baha.

Ayon sa pamunuan ng liga, maghintay na lamang muna sa kanilang abiso kaugnay ng mga laro.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply