UAAP men’s basketball: Green Archers vs Blue Eagles

PANIGURADONG mainitan na naman ang laro bukas ng hapon sa 75th UAAP men’s basketball tournament sa Araneta Coliseum ito’y dahil maghaharap ang mahigpit na magkatunggaling Ateneo at La Salle.

Solo sa top spot ang defending champion Blue Eagles, (8-1 card) habang nasa pang-apat na puwesto ang Green Archers, (6-3 karta).

Pakay ng Blue Eagles na lumipad pa ng mataas upang makalayo sa team standings habang nais ng Green Archers na manalo para mapalakas ang tsansang makapasok sa Final Four.

Magkasalo sa second to third place ang last year’s runner-up Far Eastern University Tamaraws at University of Sto. Tomas Growling Tigers hawak ang 7-3 win-loss slate habang kalahating laro lang ang lamang ng La Salle sa host National U Bulldogs bitbit ang 6-4 baraha.

Nasagpang ng Bulldogs ang pang-anim na panalo ng iwasiwas nila ang UE Red Warriors, 83-74 kahapon sa MOA.

Si reigning Bobby Ray Parks ang kumamada para sa NU na may tinikadang 21 points, six rebounds at eight assists.

Bago ang DLSU at Ateneo match, nakatakda ring magharap bukas ng alas dos ng hapon ang Tigers at Adamson.

Nakuha ng Falcons ang ikalawang panalo nang dagitin nila ang 75-70 panalo laban sa UP Fighting Maroons kahapon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply