Ubusan ng lahi nakaamba sa Lanao

BAGAMA’T marami na ang mga banyagang bumisita sa ARMM, tila natatangi ang pagdalaw kamakailan ng delegasyon ng mga opisyal ng THAILAND sa pangunguna ng Deputy Chief ng Democrat Party na si Thaworn Senniam dahil sa layunin nilang makakuha ng aral hinggil sa mga reporma na ipinatutupad ng PNoy administration sa pamamagitan ng pagtatalaga bilang OIC Regional Governor ni Mujiv Hataman.

Ang Democrat Party ng Thailand, bagama’t malakas ang base nito sa Bangkok, ay humuhugot ng lakas sa Southern Thailand na nakararanas din ng pampulitikang sitwasyon na pwedeng maihalintulad sa kalagayan natin sa Mindanao, partikular ang Autonomous Region in Muslim Mindanao, kung saan nagkakanlong ang mga grupo ng Abu Sayyaf, BIFM, MNLF at ang MILF na may kasalukuyang usaping pangkapayapaan sa gobyerno.

Sa kanilang pagdalaw, itinanong ni Gen. Pajom Tamprateep, Director of Peace Center ng 4th Army ng Royal Thai Army kung ano ang mga konkretong programa meron ang pamahalaan sa pagtugon sa mga usaping pangkapayapaan na kinasasangkutan ng MILF at ng iba pang mga grupong bahagi ng security concerns ng rehiyon.

Bagama’t may mga kaguluhan sa piling lugar sa rehiyon, positibo diumano ang dating ng mga isyu na nababalita sa mga kaganapan sa ARMM at itinuturing pa rin na matagumpay sa pangkalahatan ang aksyon ng pamahalaan, pahayag ni Governor Dejrath Simsiri ng Southern Thailand na dominado ng Malay-Muslim.

Sa isang maikling seremonya, mainit na tinanggap ng mga  opisyal ng ARMM sa pangunguna ni Amihilda Sangcopan, Regional Chief of Staff, ang nasabing delegasyon. Ayon kay Sangcopan, isang tagumpay ang isinasagawang mga reporma sa rehiyon dahil sa suporta na ibinibigay ni PNoy at  lubos na pagtitiwala sa iniluklok na OIC Regional Governor Mujiv Hataman na dating mambabatas ng Anak Mindanao Partylist.

=OOO=

Nagkanlong ang pamilya ni Coco Rasuman sa kampo ng 103rd Brigade ng Philippine Army sa Marawi City matapos na sumambulat at naglaho ang tinaguriang COCO pyramid scam sa Lanao del Sur na bumiktima sa daang investor na kinabibilangan ng mga politiko, negosyante at kawani ng gobyerno.

Una rito, pinaulanan ng bala ng ilang di kilalang tao ang bahay nila sa Mapandi, Marawi City bagama’t pinaniniwalaang nabiktima ng scam ang may kagagawan ng strafing.

Ang inyong lingkod ay hindi nagkulang sa pagbibigay-babala sa mga tao na isang panloloko ang ginagawang  paglikom ng milyones ng mga tao para sila diumano ay maglagak ng pera at mabigyan ng interes na labis sa mga itinakda ng SEC sa investment rules sa bansa. Ubusan ng lahi ang susunod na mangyayari sakaling hindi magkaroon ng kabayaran ang mga perang inilagak ng mga namuhunan sa COCO bank.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply