Uge at Arnell, napaiyak sa ‘Face to Face’

KAABANG-ABANG ang Face to Face guesting nina Eugene Domingo at Arnell Ignacio simula ngayong Lunes bilang mga celebrity sawsawero’t sawsawera. Masusubok ang kanilang kakayahang makapagbigay ng payo sa mga guest ng programa.

Inamin nga ni Uge na isa siyang masugid na fan ng Face to Face dahil marami siyang nakukuhang magandang aral. Si Uge mismo ay naging emosyonal habang pinag-uusapan ang sinapit ng isang buntis na iginanti ng nanay ng lalaking nang-iwan sa kanya. Sa kalagitanaan kasi ng pagbubuntis ng dalaga, nagkaroon ng ibang karelasyon ang lalaki na ikinagalit ng ina nito.

Panoorin kung paano matutulungan nina Uge, Arnelli, Ateng Gelli at ng Trio Tagapayo ang mga panauhin sa Face to Face sa darating na Lunes, Agosto 27.

000

Eddie Garcia award-winning movie ‘Bwakaw’ ang top grosser sa nakaraang Cinemalaya

MAY puwang na ngayon sa mga regular theater ang mga award-winning indie film na tulad ng “Bwakaw” na bida si Eddie Garcia na unang ipinalabas sa nakaraang Cinemalaya na ginanap sa mga theater ng Cultural Center of the Philippines.

Bukod sa nakakuha si Eddie Garcia ng best actor trophy sa Bwakaw, nahirang rin ito bilang top grosser ng Cinemalaya.

Tumanggap rin ito bilang People’s Choice Award bilang best picture.

Ang Bwakaw ay naiibang pelikula ni Eddie na lumabas bilang kloseta na may best friend na aso tanging kasama niya sa bahay dahil matandang binata na siya.

Nang tumanda na siya, noon pa siya nagkagusto kay Rez Cortez na hindi naman pala siya papatulan at umbag lang ang inabot niya.

Isang comedy-drama ang Bwakaw kaya maraming manonood ang matutuwang panoorin ito na tumatalakay sa reyalidad ng buhay kapag ikaw ay nasa twilight age na at sinabing naghihintay na lang ng iyong kamatayan.

Naghanda na si Eddie sa kanyang kamatayan dahil nakabili na siya ng kabaong na kasama na sa mga bagay na nasa bahay niya.

Malungkot si Eddie dahil si Bwakaw na kasa-kasama niya ay una pang namaalam sa mundo.

000

Andrea Torres, inaming lumalabas sila minsan ng leading man niyang si Mikael Daez

MASAYANG kausap si Andrea Torres sa presscon ng “Sana ay Ikaw na Nga” recently. Kasi first solo love team nila ni Mikael Daez ang soap opera na remake ng unang nilabasang soap nina  Dingdong Dantes at Tanya Garcia noong 2002 na tumagal ng dalawang taon sa ere.

First big break ni Andrea ang Sana Ikaw Na Nga Kaya memorable sa kanya ito. Unang-una na lang, nang mag-first workshop sila ni Mikael para sa soap, aba! Unang ipinagawa sa kanilang dalawa ay halikan na lips to lips.

Para sa bonding nila ni Mikael, lumalabas sila at nagdi-dinner date. Rito lang niya nakikilala nang husto ang binata kahit sabihin pang nagkasama na sila sa soap operang “My Beloved.”

Nang unang nag-meeting nga ang Sana ay Ikaw na Nga, nagkagulatan pa silang dalawa ni Mikael dahil sila pala ang magkatambal sa soap opera na to.

Inaasahan ni Andrea na hindi madali ang role niya sa soap dahil doble ang character niya rito. Aangkinin kasi ni Chynna Ortaleza ang kanyang mukha at ipagagaya niya ang mukha ni Andrea sa cosmetic surgeon. Gusto ni Chynna na maangkin si Carlos Miguel na role ni Mikael na gusto talaga si Andrea.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply