Umaalog-alog ang tiyan ni Ate Guy sa taba

TSIKA sa amin ng isang Noranian, tila mas lalo raw tumataba ngayon ang kanyang idol na si Nora Aunor.

Kaya doble hirap daw ito sa pagsasalita dahil maliban sa may problema pa rin sa lalamunan, hinihingal din madalas dahil sa lumalaking tiyan.

Ang ikinatatakot daw niya, baka magaya si Ate Guy sa ‘bestfriend’ nitong si John Rendez na parang dambuhala na sa laki ang katawan. Lamon, toma lang daw kasi ang ginagawa nito. Hahaha!

Eh, nung humarap daw si Nora sa mga fans sa Araneta last Sunday ay umaalog-alog pa ang tiyan nito habang kumakaway sa mga tagahanga.

Anyway, minsan ay napakinggan namin si Kuya Germs sa kanyang programa sa DZBB na umiere tuwing hapon. Nagkuwento ang kanyang mga kasama tungkol sa pagdating ng Superstar, pero malamig ang mga sagot ng Master Showman.

Parang kumakain lang ito ng mani habang nagsaslita tungkol sa kanyang idolo at kaibigang aktres. Halatang napipilitan lang itong magtanong.

Dati naman kasi, bago umuwi ng Pinas ay tumatawag muna kay Kuya Germs si Ate Guy, pero ngayon ay nakikibalita na lang ang una. Ganun?

***

Sarah hindi maintindihan sa Gerald

SA buhay natin marami tayong katanungan, ‘yung iba may mga kasagutan kaso ‘yung iba parang hindi talaga natin maintindihan. ‘Yung paulit-ulit nating tinatanong pero hindi natin mahanap ang sagot. Pero sabi nga di ba, in time kumbaga, baka hindi ngayon ang kasagutan malay natin baka mamaya, baka bukas, next week, next month o next year o sa susunod na araw. Sabi nila everything happens for a reason but for now, we are left with so many questions and so many what ifs,” sabi ni Sarah Geronimo pagkatapos nitong amining tuluyan na ngang tumigil sa panliligaw sa kanya si Gerald Anderson.

***

PAULA Bianca officiated as Ambassador of Goodwill of Haplos Foundation (Hemophilia Association of the Philippines for Love and Service Inc.) last August 4 at Hospital of Infant Jesus, Sampaloc, Manila.

Tuwang-tuwa ang dalaga dahil naging inspirasyon siya ng mga batang maysakit na hemophilia. Dalangin niya na sana’y lumaking normal ang buhay ng mga ito sa kabila nang kanilang kakaibang kapansanan.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa #09074582883 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply