UNA tablado na kay Angara

WALA nang pag-asa pang makakuha ng isa pang matibay na partido ang United Nationalist Alliance (UNA) nina Vice President Jejomar Binay at dating Pangulong Joseph Estrada dahil tuluyan nang isinara ni Sen. Edgardo Angara ang pintuan ng Laban ng Demokratikong Pilipino (LDP) sa naturang partido.

Sa press conference matapos ang National Executive Council meeting sa Manila Hotel ngayong araw, sinabi ni Angara na nagkaroon na ng advance talks ang LDP sa ilang lider ng LP hinggil sa koalisyon kaya mananatiling nakasarado ang pintuan ng partido sa UNA.

“Most likely, I think the chances are high that the LDP will coalesce with the ruling coalition of President PNoy. Basically, the President has selected one of our member, Aurora Rep. Sonny Angara, in the slate, I think the probability is high that we will join that coalition,” ayon kay Angara.

Sa pulong, inaprubahan ng National Executive Council ang resolusyon na nagbibigay kay Angara ng full authority bilang presidente ng partido na makipagnegosasyon at pumasok sa anomang koalisyon sa ibang partido pulitikal at suportahan ang indibiduwal na kandidato sa nasyunal at lokal na halalan sa 2013 midterm elections.

Ayon kay Angara, dulot ng kapangyarihan na ibinigay ng partido, at pagpili ni Pangulong Benigno Aquino III kay Aurora Rep. Sonny Angara sa napipisil na kandidato ng LP, lubha nang isinara ng LDP ang pintuan nito sa UNA.

“More or less (we have closed the door to UNA), but I am not completely closing the opening. But more or less, it is probable to close the door with UNA, it just possible,” aniya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply