Uniqlo nagbigay ng P1.5-M ayuda sa mga biktima ng baha

MAGBIBIGAY ng donasyon sa halagang 3 milyong yen o P1.5 milyong ang Uniqlo Philippines bilang tulong sa mga biktima ng baha sa Metro Manila .

Ayon kay Katsumi Kubota, chief operating officer ng Fast Retailing Philippines Inc. “nalulungkot ang UNIQLO  sa kasalukuyang kalamidad na nararanasan sa Pilipinas at nakikiramay ang kumpanya sa lahat ng Pilipino  na naapektuhan. ”

Ipadadaan ng Uniqlo ang kanilng donasyon sa SM Foundation na siyang socio-civic arm ng SM Group of Companies, ang mother company ng SM Retail, ang kasosyo ng Fast Retailing Group sa Pilipinas.

Itinayo ang kauna-unahang branch ng Uniqlo sa Pilipinas nito lamang taon sa SM Mall of Asia sa lungsod ng Pasay, na sumikat na brand ng apparell sa bansang Japan .

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply