UPDATE: 11 sugatan sa banggaan ng 2 sasakyan at tren

UMABOT sa 11 katao ang kumpirmadong sugatan  nang mabangga at makaladkad ng tren ng Philippine National Railways (PNR) ang dalawang sasakyan habang papatawid sa riles kaninang umaga sa Sta. Mesa, Maynila.

Sa imbestigasyon, papatawid sa riles ng tren ang L300 FB (ZSN-292) at Toyota Echo (WTC-735)  nang  mabangga ng tren ng PNR.

Nabatid na alas 9:10 ng umaga kanina nang mangyari ang insidente sa harap ng Polytechnic University of the Philippines, Sta. Mesa Maynila.

Lumalabas na hindi gumana ang railroad crossing gate kaya hindi napansin ng dalawang driver ang paparating na tren  dahil mayroon nang isang tren na nagdaan bago sila papatawid ng riles.

Wasak ang dalawang sasakyan  at tumilapon sa gilid ng riles habang ang mga pasahero naman ng dalawang sasakyan ay nagkaroon ng mga galos sa katawan sanhi ng pagkakatilapon.

Kaagad namang isinugod sa pagamutan ang mga biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply