UPDATE: 19-gun salute iginawad kay Robredo

GINAWARAN ng 19-gun salute si Interior Secretary Jesse Robredo sa harap mismo ng Basilica of Our Lady Penafrancia sa Naga City.

Dakong alas-12:30 ng tanghali nang ilabas ang labi ni Sec. Robredo sa Basilica.

Mula sa altar ay binuhat ang kabaong ng namayapang si Robredo at inilagak sa lagayan ng kabaong sa tapat mismo ng naturang basilica.

Matapos saluduhan ng may walong military personnel na naka-uniporme ng asul at berde at marami pang bilang na nasa nakaantabay sa labas ng basilica, tinugtog na ng banda ng Armed Forces of the Philippines ang Lupang Hinirang.

Sunod nito, ay ginawaran na ang labi ni Robredo ng 19 gun salute bago muling dahan-dahang binuhat para dalhin sa caro ng patay.

Maglalakad lamang ang makikipaglibing kabilang ang Pangulong Aquino at ilan sa kanyang Gabinete patungong Funeraria Imperial para sa huling bahagi ng departre honors at sa cremation.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply