Update: 19 katao patay, 3 nawawala sa pananalasa ng Habagat

UMABOT na sa labinsyam (19) ang kinumpirmang patay sa pananalasa ng walang tigil na pag-ulan dulot ng Southwest monsoon o habagat.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), karamihan sa mga namatay ay biktima ng landslides habang ang ilan ay nalunod o na-kuryente.

Tatlo naman ang nawawala habang tinaya sa 454, 000 pamilya o mahigit 1.9 milyong katao na ang apektado ng kalamidad.

Ang apektadong pamilaya ay mula sa 128 bayan at 30 lungsod sa Regions 1, 3, 4-A, 4-B, 6 at National Capital Region.

Mahigit 61,000 pamilya naman o 292,000 katao na kabilang sa mga nasalanta at nananatili sa 488 evacuation centers.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply