UPDATE: 2 nawawalang mangingisda sa Bicol, ligtas na

KINUMPIRMA ng Philippine Coast Guard (PCG) na ligtas nang nakauwi sa kanilang pamilya ang dalawang mangingisda na naunang naiulat na nawawala nitong Lunes sa Bicol region.

Ayon sa PCG-Camarines Norte, nasa mabuting kalagayan ang dalawang mangingisda na nakilalang sina Rodolfo Tayas at Winifredo Tohon kapwa taga-Purok 5, Barangay Parang bayan ng Jose Panganiban.

Ang dalawa ay minabuting magtago na lamang umano sa Calaguas Island dahil nangamba na baka may mangyaring masama sa kanila dahil sa lakas ng hampas ng alon.

Nang bumuti na ang lagay ng panahon ay naglayag na rin ang mga ito pabalik sa kanilang tahanan matapos ang halos apat na araw.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply