UPDATE: 32 na patay sa bakbakan ng BIFM, militar

UMAKYAT na sa 27 ang nasasawi sa panig ng Bangsamoro Islamic Freedom Movement (BIFM) habang lima naman sa panig ng militar at nagpapatuloy pa rin sa kasalukuyan ang sagupaan sa pagitan ng dalawang grupo.

Nasawi sa panig ng militar sina Sgt Sonny Estabillo, Sgt Allan Miraflores, Pfc Henry Caunga, Pvt Dunhil Aragon at Pfc Arsenio Nunescan, habang sugatan naman sina 1Lt John Dave Aguilar, Cpl Rommel Mantos, Pfc Mar Batanas, 1Lt Dimaluan, Cpl Luis, Pfc Capilitan, Pfc Idul, Pfc Payoyo at Pfc Primeva.

Base sa pahayag ni  Maguindanao Governor Esmael ”Toto” Mangudadatu, may bahid ng pulitika ang nasabing sagupaan na itinuturong may sala ang mga  “spoillers” o ‘di sang-ayon sa paglagda sa binubuong final peace agreement sa pagitan ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Samantala, patuloy pa rin ang pagdami ng mga lumilikas na pamilya na naaapektuhan ng nasabing kaguluhan.

Kaugnay nito, sumabog din dakong alas-8:15 kagabi ang isang improvised explosive devise (IED) na gawa sa bala ng 81mm mortar sa Davao-Cotabato Highway sa Sitio Egan, Barangay Galakit Pagalungan, Maguindanao.

Wala namang nasugatan sa nasabing pagsabog.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply