Update: 8 patay, 1 kritikal sa Quezon City landslides

WALO na ang kumpirmadong namatay habang isa naman ang kritikal nang matabunan ng gumuhong lupa ang may apat na kabahayan sa Barangay Commonwealth sa Quezon City.

Nabatid na sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan simula kagabi ay bumigay ang lupa at bumagsak ang pamamahay ng pamilya Baylon.

Pasado alas dos na ng hapon nang marekober ang bangkay ng mga biktima habang ang isa naman nasa kritikal ang lagay sa East Avenue Medical Center (EAMC).

Kabilang sa mga namatay ay ang isang buwang sanggol at tatlong taong bata maliban pa sa dalawang matanda na pawang hindi nakuha ang mga pangalan.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply