Update: Bakbakan ng military at BIFF sa Maguindanao, 6 sugatan

ANIM ang iniulat na nasugatan nang sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalan at ang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) simula pa nitong Linggo ng gabi hanggang kaninang umaga, ayon sa ulat ng pulisya.

Sinabi ni Maguindanao police chief Senior Superintendent Marcelo Pintac na ang engkuwentro ay nagsimula ng Linggo ng hatinggabi sa pagitan ng mga sundalo ng Philippine Army at ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters.

“Kagabi mga alas-12, nagkaroon ng palitan ng putok ang Army at (Bangsamoro) Islamic Freedom Fighter, dating kasapi, breakaway group ng MILF. Ngayon may engkwentro na naman,” pahayag ni Pintac sa isang panayam.

Ang BIFF, aniya, ay kaalyado ng grupo ni MILF commander Umbra Kato, na iniuugnay sa pag-atake sa Mindanao noong 2008 matapos ibasura ng Korte Suprema ang Memorandum of Agreement on Ancestral Domain.

Sinabi ni Pintac na isang miyembro ng Army ang nabaril pero buhay pa. Sa kasamaang palad, hindi kasama ang naturang sundalo sa engkuwentro.

“May tinamaan na isa, dumaan na sundalo, ‘di kasali sa giyera … Buhay pa naman,” pahayag nito.

Sa kasamaang palad pa, sinabi ni Pintac na pinutol ng mga rogue unit ang suplay ng kuryente sa 11 towns, at sinunog ang may 2 kabahayan.

Naganap ang pinakahuling engkuwentro dakong alas 7:30 a.m.

Sinabi naman ni Philippine Army spokesman Maj. Harold Cabunoc na tumutulong ang MILF sa pagkuha ng impormasyon para sa presensya ng armadong grupo.

“Defense mode pa tayo. Iwasan natin ma-escalate ang conflict,” dagdag pa nito.


Leave a Reply

*
nyahahahahah yuhooo mga Kapaminta KUPS hayan m...
Grabe na talaga ang kasamaan ng mga tao at pati mg...
O sino pa ba kundi si bet nyang Marian makiling, h...
Kristd, di ba ikaw ang magaling sa mga b.i., kilal...
may mamamatay na naman diyan sa QC sana kasama na ...
nyahahahahah hindi ako naniniwalang TIGANG sa Se...
nyahahahahah Mali ka Tandang Nestor Letter A ng...
nyahahahahha oo nga naman dapat lang magalit si B...
nyahahahahha bhukeet katapat ba ng carmela ang TLG...
NESTOR ANG GANDA NA TALAGA ANG LEHAL WIFE HALOS GA...

BREAKING NEWS


© 2010 Remate | Ang Dyaryo ng Masa. All Rights Reserved.