UPDATE: Bandila ng Pilipinas naibigay na kay Leni Robredo

TINANGGAP na ni Atty. Leni Robredo ang tiniklop na bandila ng Pilipinas sa biyuda ni Interior Secretary Jesse Robredo.

Ang Philippine flag ay iniabot ni Pangulong Benigno Aquino III kay Leni Robredo.

Bago ito ay ginawaran muna si Sec. Robredo ng Three Volley Salute ng mga kagawad ng Armed Forces of the Philippines kasunod nang pagpapatugtog ng Taps, bilang bahagi pa rin ng state funeral para sa kalihim.

Sa ngayon, tinatanaw na lamang ng Pangulo, kasama ang mga miyembro ng Gabinete at libo-libong nakiramay ang casket ng labi ng kalihim dahil tanging pamilya lamang ang papayagang pumasok sa loob ng crematorium.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply