UPDATE: Binabantayang LPA posibleng maging bagyo

MALAKI ang tiyansang maging ganap na bagyo ang binabantayang aktibong low pressure area (LPA) sa Hilagang Luzon sa loob ng 24 oras.

Dahil dito, nagbabala ang PAGASA, na maaaring magdulot ito ng pagbaha at pagguho ng lupa sa ilang bahagi ng Luzon.

Batay sa 500 p.m. advisory, sinabi ng PAGASA na ang naturang sama ng panahon ay tinatayang nasa 360 kilometro Silangan Hilagang Silangan ng Aparri, Cagayan dakong alas-2:00 ng hapon.

Kapag naging ganap na bagyo sa loob ng teritoryo ng Pilipinas, ito ay tatawaging bagyong “Igme.”

Paiigtingin din ng bagyo ang Habagat na magdudulot ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply