Update: CGMA pinauwi ng Sandiganbayan sa NBN-ZTE pre-trial

IMBES gisahin sa pagdinig, pinauwi na lamang ng Sandiganbayan si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa kanyang pre-trial hinggil sa plunder case na NBN-ZTE deal.

Ang mga justices ng anti-graft court ay malamang na naawa kay Arroyo, na napilitan na dumalo kaninang umaga sa pagdinig laban sa kagustuhan ng kanyang mga doktor.

Si Arroyo ay na-diagnosed na may acute cervical at lumbar strain.

Maalalang, pinayagan itong makapagpiyansa ng Pasay City Court sa kasong electoral sabotage.

Simula noon, agad din itong naglalabas at binisita ang libingan ng kanyag magulang. Binisita rin nito ang kanyang constituents sa Pampanga.

Dahil dito, mas lumala ang kanyang kondisyon kaya napilitan itong bumalik sa Veteren’s Memorial Medical Center VMCC para muling magpagamot at magpahinga.

Sinabi naman ni Elena Bautista-Horn, spokesperson ni Arroyo, na imbes sumalang sa pagdinig ay pinapirma na lamang ito sa isang special power of attorney.

“Nag ‘out on pass’ lang si Ma’am kasi ayaw payagan ng doctor lumabas. We had to submit a waiver to the [Veterans Memorial Medical Center]….She was later on excused (by the court) after making sure that she has a signed SPA (Special Power of Attorney) for her lawyers.

Dumiretso naman agad ito sa VMMC pagkagaling ng Sandiganbayan.

Nakatakda itong sumailaim sa physical therapy ngayong din hapon,” dagdag pa ni Horn.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply