UPDATE: Eroplanong sinasakyan ni Robredo bumagsak sa dagat

KINUMPIRMA ni Masbate Gov. Dayan Lanete na bumagsak sa karagatang sakop ng Masbate ang Cessna plane na sinasakyan ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo ngayong hapon.

Sa ulat sa telebisyon, kasama ng kalihim sa eroplano ang aide nitong si Abrasado at dalawang piloto.

Ligtas na at nasa pagamutan si Abrasado habang ikinasa na ang search and rescue operation para sa kalihim at dalawang piloto nito.

Naganap ang insidente dakong 4:20 ng hapon, may 200 metro mula sa dalampasigan ng naturang lungsod, habang lumilipad ang eroplano mula sa Mactan Airport sa Cebu patungo sa Naga City.

Napag-alaman na mag-i-emergency landing sa Masbate ang naturang eroplano nang bumagsak ito sa dagat dahil nagkaaberya ang makina nito.

Nabatid na nakatawag pa sa airport ang piloto ng eroplano ngunit hindi na ito umabot at bumagsak sa dagat at lumubog.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply