UPDATE: Ex-Gov. Reyes, nasa bansa pa – DILG

AGAD naglabas ng sagot ang Department of Interior and Local Government (DILG) upang itanggi ang balitang nakatakas na ng bansa si dating Palawan Gov. Joel Reyes.

Ani Interior Sec. Jesse Robredo, batay sa record mula sa Bureau of Immigration, negatibo o walang kumpirmasyon ang ulat na nakapuga na ang akusado.

Kanina lamang ay lumabas ang mga balitang nakalabas na ng bansa si Reyes na pinaghahanap sa kasong murder sa pagkamatay ng broadcaster na si Gerry Ortega.

Sinasabing noong Marso 18 umalis ng bansa si Reyes sakay ng Cebu Pacific flight patungong Vietnam gamit ang pangalang Joseph Lim Pe.

Nauna nang isinailalim sa wanted list ng International Criminal Police Organization (Interpol) ang akusado.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply