UPDATE: Expired license ni Bahinting, inalmahan ng Aviatour

INALMAHAN ng Cebu-based Aviatour Air ang alegasyong expired ang lisensiya ni Capt. Jessup Bahinting, ang piloto ng bumagsak na Piper Seneca Plane PA400 na sinakyan nila ni Interior and Local Government (DILG) Sec. Jesse Robredo at Nepalese co-pilot na si Kshitiz Chand.

Ani Aviatour Air human resource manager Michelle Ferol, istrikto at responsable si Bahinting pagdating sa mga pananagutan ng isang piloto kaya hindi ito magpapalipad ng eroplano nang walang lisensiya.

Ang Aviatour Air ang operator ng nasabing Piper Seneca plane.

Giit pa ng kompanya, hindi rin papayagan ng Mactan Air Traffic Control (ATC) na makalipad ang naturang Seneca plane kung hindi valid ang lisensiya ng kapitan dahil maliban sa bahagi ito ng standard protocol, pinapahalagahan din ang buhay ng sinumang pasahero.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply