UPDATE: Funeral cortege ni Robredo nasa punerarya na

DUMATING na sa Funeraria Imperial ang funeral cortege ni Interior Secretary Jesse M. Robredo, kung saan iki-cremate at ihahatid sa huling himlayan ang kalihim.

Bago i-cremate, ay ginawaran muna ang kalihim ng Three Volley Salute ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines na sinundan ng pagpapatugtog ng Taps, bilang bahagi ng final honor.

Pagkatapos nito ay tiniklop na ang bandila ng Pilipinas sa ibabaw ng casket ng kalihim na ibibigay naman ito ni Pangulong Benigno Aquino III sa biyuda ni Sec. Robredo na si Leni Robredo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply