UPDATE: Funeral cortege ni Robredo umusad na papuntang punerarya

UMUSAD na ngayon ang funeral cortege ni Interior Secretary Jesse Robredo patungong Funeraria Imperial kung saan siya iki-cremate.

Dakong alas 12:30 ng tanghali nang ilabas ang labi ni Sec. Robredo sa Basilica of Our Lady Penafrancia.

Isinakay sa isang trak na punom-puno ng kulay dilaw na bulaklak ang casket ng kalihim at may walong stand guard mula sa Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines sa gilid.

Tumayo naman bilang honorary pallbearers sina Justice Secretary Leila De Lima, Public Works Sec. Rogelio Singson, Social Welfare Sec. Dinky Soliman, Energy Sec. Rene Almendras, Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, Presidential Adviser on the Peace Process Teresita Deles, Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino at Mindanao Development Authority Chairperson Luwalhati Antonino.

Mula sa Basilica Minore ay naglalakad lamang ang mga nakiisa sa paghahatid sa huling hantungan sa kalihim na kinabibilangan ng pamilya Robredo, matataas na opisyal ng pamahalaan at mga mamamayan ng Naga.

Una rito, nagdaos muna ng huling misa para sa kalihim kaninang alas-10:00 hanggang alas-11:00 ng umaga.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply