UPDATE: ‘Helen’ lumalakas; Ilang lalawigan signal No. 1 na

LUMALAKAS ang Tropical Storm Helen habang tinatahak ang dulong Northern Luzon.

Isinailalim na sa public storm signal No. 1 ang Batanes, Isabela, Kalinga, Apayao and Cagayan kasama ang Babuyan at Calayan group of islands.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) taglay ni Helen ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers per hour malapit sa gitna at kumikilos pa-Hilaga sa bilis na 9 kph.

Batay sa satellite and surface data ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 550 kilometers Silangan, Hilagang-Silangan ng Casiguran, Aurora.

Inaasahan din na palalakasin ng bagyong Helen ang Hanging Habagat na magdudulot ng mga pag-ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat sa iba’t ibang parte ng bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply