UPDATE: ‘Helen’ lumakas; inaasahang tatama sa lupa bukas ng umaga

BAHAGYANG lumakas pa ang bagyong Helen habang tinutumbok ang Kanluran, Hilagang-Kanluran ng Northern Luzon.

Sa ulat sa telebisyon, sa pagtaya ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), inaasahang tatama sa lupa o magla-landfall ang bagyong Helen sa Hilagang bahagi ng Cagayan bukas ng umaga.

Batay sa ulat ng PAGASA, taglay ni Helen ang hanging abaot sa 75 kilometers per hour (kph) at pagbugsong aabot sa 90 kph malapit sa gitna habang tinatahak ang direksyong pa-Kanluran sa bilis na 15 kph.

Kaninang alas-4:00 ng madaling araw huling namataan si Helen sa layong 310 kilometro ng Silangan ng Casiguran, Aurora.

Ayon din sa PAGASA, palakas nang palakan ang bagyo habang papalapit pa sa bansa.

Nakataas ang public storm warning signal No. 2 sa:
– Isabela
– Cagayan

Signal No. 1 naman sa:
– Quirino
– Aurora
– Nueva Vizcaya
– Ifugao
– Mt. Province
– Ilocos Norte
– Abra
– Kalinga
– Apayao
– Babuyan, Calayan group of islands
– Batanes Group of Islands

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply