UPDATE: ‘Helen’ nakalabas na sa bansa

NAKALABAS na sa Philippine area of reponsibility (PAR) ang bagyong Helen at tinatahak ang direksyong pa-China.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), hindi man ganap na nakaapekto sa bansa ang bagyo ay inaasahang pag-iigtingin pa rin nito ang hanging Habagat na magdudulot nang katamtaman hanggang sa malakas na ulan sa Luzon at kanlurang Visayas.

Ibinababa na rin ang lahat ng public storm signals sa bansa.

Gayunman, pinag-iingat pa rin ng mga kinauukulan ang mga naninirahan sa mababang lugar sa posibleng pagbaha.

Pinapayuhan din ang mga maliliit na bangkang pangisda na huwag munang pumalaot lalo na sa mga apektadong lugar.

Inaasahan na makararanas na ng mabuting panahon ang nalalabing bahagi ng bansa simula ngayong araw.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply