UPDATE: ‘Helen’ tatama sa kalupaan ng Cagayan

NAPANATILI ng bagyong Helen ang lakas nito at inaasahang tatama sa kalupaan ng Cagayan sa susunod na 24 oras.

Sa latest update ng PAGASA, tinutumbok pa rin bagyong Helen ang Northern Luzon.

Sa report ng PAGASA, huling namataan ang sentro ni Helen sa layong 230 kilometers (km) silangan Hilagang-Silangan ng Casiguran, Aurora at may lakas ng hanging aabot sa 75 km per hour (kph) malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 90kph.

Patuloy pa ring kumikilos ang bagyo pa-Kanluran Hilagang-Kanluran sa bilis na 13kph.

Ayon sa PAGASA, paiigtingin ng bagyo ang Hanging Habagat na siyang magpapaulan sa Central at Southern Luzon kabilang na ang Metro Manila.

Pinag-iingat ng PAGASA ang mga naninirahan sa matataas na lugar, partikular na ang mga taga-Cordillera Administrative Region (CAR), sa landslides.

Pinapayuhan pa rin ng PAGASA ang mga mangingisda at mga sasakyang pandagat na huwag munang maglayag o pumalot sa karagatan sa Hilaga at Katimugang Luzon.

Signal No. 2:
– Isabela
– Apayao
– Kalinga
– Batanes
– Cagayan, kabilang ang Babuyan at Calayan Group of Islands

Signal 1:
– Aurora
– Quirino
– Nueva Vizcaya
– Ifugao
– Benguet
– Mt. Province
– Abra
– Ilocos Sur
– Ilocos Norte

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply