UPDATE: ‘Helen’ tumama sa kalupaan ng Palanan, Isabela

NAG-LANDFALL ang bagyong Helen sa Palanan, Isabela kaninang ala-una ng madaling araw.

Ayon sa ulat sa telebisyon, huling namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services (PAGASA), si Helen sa layong 60 kilometers ng Timog Timog-Silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.

Taglay ni Helen ang hanging umaabot sa 85 kilometers kada oras malapit sa gitna at may gustiness na 100km bawat oras.

Pa-kanluran Hilagang-Kanluran ang kilos ni Helen sa bilis na 17km bawat oras.

Signal number 2:
– Isabela
– Northern Aurora
– Quirino
– Nueva Vizcaya
– Benguet
– Ifugao
– Mountain Province
– Ilocos Sur
– Apayao, Kalinga
– Ilocos Norte
– Abra
– Batanes
– Cagayan, kasama ang Calayan at Babuyan group of island

Signal number 1:
– Nueva Ecija
– Pangasinan
– Tarlac
– La Union
– nalalabing bahagi ng Aurora

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply