Update: Hilagang bahagi ng MM nasa yellow warning signal – PAGASA

INILABAS ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa yellow warning signal ang hilagang bahagi ng Metro Manila.

Ayon sa pinakahuling report ng kaninang alas-7:00 ng umaga ng PAGASA mananatili ang pag-ulan sa Metro Manila.

Makakaranas ng malakas na pag-ulan (20.0-30.0 mm/hr) ang Hilagang bahagi ng Caloocan at Quezon City. Samantalang mahina hanggang sa katamtamang (2.0-7.0 mm/hr) pag-ulan naman ang mararanasan sa Marikina, Malabon, Navotas at Valenzuela.

Aasahan naman ang mahina hanggang sa katamtamang buhos ng ulan (2.0-8.0 mm/hr) sa CAMANAVA, Quezon City, Manila, Marikina at karating lugar sa loob ng 2 oras.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply