Update: Katawan ni Chand, positibong kinilala ng ama

POSITIBONG kinilala na ang bangkay ng Nepalese na co-pilot na si Kshitiz Chand ng kanyang ama na si Tek Chand sa La Funeraria Eternas.

Si Chand ay kasama sa bumagsak na eroplanong sinakyan ni DILG Secretary Jesse Robredo noong Sabado sa karagatang sakop ng Masbate.

Nabatid na si Chand ay kalahating taon na nasa Pilipinas na nangangarap na makapagpalipad ng eroplano.

Promal na ring tinapos ang lahat ng operasyon sa search and retrival operations ng Task Force Kalihim.

Sinabi rin ni Defense Secretary Voltaire Gazmin na naipaalam na kay Pangulong Noynoy Aquino ang pagkakahanap sa katawan ni Chand.

“Napadala ko na ‘yung message ko kay President Aquino. ‘Good job,’ sabi niya.”

Sisimulan naman aniya ngayon ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang imbestigasyon sa insidente.

“‘Yung imbestigasyon, iwan natin sa CAAP. Mahirap mag-speculate.”

Nagpasalamat naman ang mga opisyal Task Force Kalihim sa lahat ng foreign at local divers na tumulong para sa kanilang search and rescue at retrieval operations sa loob ng halos limang araw.

Magugunitang, unang narekober ang bangkay ni Robredo noong Martes, samantalang kahapon naman naiahon ang katawan ni Captain Jessup Bahinting.

Matatandaang bumagsak ang eroplano nina Robredo noong Sabado ng hapon sa Masbate.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply