Update: Katawan ni Kshitiz Chand, natagpuan na

NATAGPUAN na ang katawan ng Nepalese co-pilot na kasama sa bumagsak na eroplanong sinakyan ni DILG Secretary Jesse Robredo.

Ito ang kinumpirma ni Department of National Defense Secretary Voltaire Gazmin ngayong umaga.

Ayon kay Gazmin, hinihintay na lamang ang kumpirmasyon ng pamilya kung iyon nga katawan ni Kshitiz Chand.

Sinabi ni Gazmin na ititigil na ang search and retrieval operations matapos makumpirma ng pamilya ni Chand ang katawan na nasawing piloto.

Ayon kay Defense Secretary Voltaire Gazmin, alas-7:45 ng umaga nang makitang lumulutang ang bangkay ni Chand malapit sa crash site sa karagatan.

“‘Yung body nakita nung MV Cooperative na lulutang-lutang so hinila niya, nilapit sa grand boat ng Navy na nagko-conduct ng search saka ni-report sa’tin.”

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply