UPDATE: Labi ni Robredo, ipinasok na sa columbary

KASALUKUYANG sinusunog na ngayon sa Naga crematory at columbary ng Imperial funeral ang labi ni Sec. Jesse Robredo at aabutin ang proseso ng hanggang tatlong oras.

Hindi naman pinayagang pumasok sa naturang columbary ang misis ng kalihim na si Atty. Leni Robredo, maging ang tatlong anak nitong sina Aika, Patricia at Jillian at maging ang Pangulong Noynoy Aquino.

Hihintayin na lamang ng lahat ng naroon sa columbary na tuluyang masunog ang kabaong na pinaglalagyan ng labi ni Robredo bago ilagak ang abo nito sa kanyang nitso sa Eternal Gardens.

Sa kasalukuyan, inilagay muna ang pamilya Robredo sa isang airconditioned room ng crematory center para doon muna mamalagi habang hinihintay ang proseso ng pagsunog sa bangakay ng namayapang DILG chief.

Bago ito, ikinasa ang three-volley salute ng AFP at saka inihatid na sa columbary ang casket ng kalihim at isinara na ito sa publiko.

Kasama ni Pangulong Aquino ang pamilya Robredo sa paghahatid sa kalihim.

Naglakad ang grupo mula Basilica Minore papuntang crematorium na may 750 metro ang layo.

Panghuling bahagi ng state funeral ang pagbibigay ng Pangulo kay Atty. Robredo sa watawat na ipinambalot sa kabaong ng kalihim.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply