Update: Labi ni Robredo nasa Basilica Minore de Peñafrancia na

DUMATING na ang labi ni Interior Secretary Jesse Robredo sa Basilica Minore de Peñafrancia sa Naga City matapos ang isang funeral cortege na minarkahan ng water salute at pagpapakita pa ng sobrang respeto mula sa mga residente.

Mahigpit ang seguridad sa basilica dahil maaga pa lamang ay naroon na ang mga tauhan ng Philippine National Police para sa arrival honors sa labi ni Robredo, na dumating ng alas 9:45 ng umaga.

Walang pinapasok na behikulo sa loob ng basilica compound maliban lamang sa pamilya ni Robredo, dagdag pa ng ulat.

Ang mga PNP honor guards sa basilica ay nagmula sa PNP national headquarters.

Nauna rito, umalis ang labi ni Robredo sa Naga City Hall at dumaan sa ilang kasalda sa lungsod patungo sa basilica.

Sinalubong naman ng isang water salute ang cortege ni Robredo sa Panganiban Avenue, habang ang mga residente naman ay nakatayo sa tabi ng kalsada para masilayan ang kabaong man lamang ng namayapang opisyal.

Ilan naman sa mga residente ay iwinawagayway ang tarpaulins na may larawan ni Robredo bilang pagpapakita ng kanilang pagmamahal sa mayor na nagsilbi sa loob ng 19 taon.

Kasunod ng paglipat, ang public viewing at vigil ay magpapatuloy ng 10 a.m. hanggang 5 p.m., nang ang archdiocese ay magkakasa ng misa para kay Robredo.

Magpapatuloy ang public viewing at vigil ng alas-6:00 ng gabi hanggang hatinggabi

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply