Metal na-detect ng Sonar equipment

MAY nadetect na metal ang sonar equipment na gamit ng Philippine Navy at ang lokasyon na puspusan ng sinusuyod ay kalahating metro ang layo Northeast ng Masbate Airport.

Iniulat ang nasabing development ni Phil. Navy Officer Mirayan, na siyang aktuwal nasa mga sasakyang pandagat na humihila sa mga sonar equipment  .

Ang kwestiyon na lamang ay kung makakaya ng mga divers ang lalim ng lokasyon kung saan na-detect ang ipinapalagay na bahagi ng eroplano na bumagsak na kinalululanan ni Sec .Jesse Robredo.

Gumamit na ng sonar equipment ang search and rescue teams para mahanap ang bahagi ng bumagsak na eroplano na sinakyan ni Robredo.

Sa panayam kay Transportation Sec. Mar Roxas, kinumpirma ng kalihim na maliban sa aerial at surface operations ay nagpapatuloy din ang pagsisid sa ilalim ng Masbate Pass para mahanap ang kalihim at dalawang iba pa.

“Iyong sonar na equipment na galing ng Cebu ay nakarating na rito at naka-deploy na. Kagamitan ito para mahanap ang wreckage (eroplano),” ayon sa opisyal.

Kinumpirma rin ni Sec. Mar na may kalaliman ang Ticao Straight na pinaniniwalaang bumagsak ang sinakyang  eroplano ng kalihim.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply