Metropoint Mall pinasok ng Martilyo Gang

NAGKAROON ng tensyon sa loob ng Metropoint Mall nang pasukin ng mga miyembro ng “Martilyo Gang” ang isang pawnshop at bigla na lamang basagin ang estanteng kinalalagyan ng alahas kanina sa Pasay City.

Dalawa sa apat na suspek ang kaagad na bumasag sa salamin ng estante ng Tambunting Pawnshop na nasa ikatlong palapag ng Metropoint sa EDSA-Taft Avenue habang ang dalawa pa nilang kasamahan na nagkunwaring kustomer ng katapat na fast-food restaurant ang kaagad ding sumugod at sinamsam ang mga alahas sa loob ng estante.

Ayon kay Pasay city police chief Sr. Supt, Melchor Reyes, naganap ang insidente dakong alas-3:15 ng hapon at kaagad na nagpaputok ng kanilang baril ang mga suspek sa kanilang pagtakas matapos ang halos tatlong minuto lamang na pagsamsam sa mga alahas.

Pansamantala namang natigil ang operasyon ng Light Rail Transit (LRT) nang isara muna ang daanan patungo na nag-uugnay sa MRT matapos magkaroon ng stampede nang magtatakbo patungo rito ang mga suspek.

Sinabi ni Reyes na sumakay sa isang taxi patungong Taguig City ang mga suspek pagsapit sa ibaba ng MRT Station tangay ang hindi pa batid na halaga ng alahas na nakulimbat sa pawnshop.

Sugatan din ang isa sa apat na salarin matapos tamaan ng basag na salamin ang braso nang paluin ng martilyo upang mabasag ang salamin habang ilang mga bystander at shoppers ang bahagya ring nagalusan sanhi ng stampede.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply