UPDATE: Mga lugar na nasa storm signal No. 2 nadagdagan pa

POSIBLENG lumihis sa susunod na 12 oras ang direksyon ng bagyong Helen na ngayon ay nagbabanta sa hilagang Luzon.

Ayon sa Pagasa, maaaring magsanib ang mga kaulapang dala ng tropical storm at ang papalapit na westerly trough at kung mangyayari aniya ito, posibleng gumalaw ang bagyo ng pa-hilaga.

Sa ngayon ay patuloy ang kilos ng bagyo pa-kanlurang-hilaga sa bilis na 13 kilometers per hour (kph).

Una nang nagbabala ang weather bureau sa posibleng pagtama sa kalupaan ng Cagayan ng bagyong Helen sa susunod na 24 oras.

Bahagya ring lumakas ang bagyo na ngayon ay may taglay na maximum sustained winds na 85 kph at pagbugsong umaabot ng 100 kph.

Siyam na lalawigan naman ang nasa ilalim ngayon ng storm signal No. 2, kabilang ang Cagayan, kasama na ang Calayan at Babuyan Group of Islands, Isabela, Apayao, Kalinga, Ilocos Norte, Abra at Batanes Group of Islands

Nasa signal No. 1 naman ang Aurora, Quirino, Nueva Vizcaya, Ifugao, Benguet, Mt. Province, La Union at Ilocos Sur.

Patuloy namang paiigtingin ng bagyo ang epekto ng southwest monsoon o habagat na nagdudulot ng mga pag-ulan sa natitirang bahagi ng Northern at Central Luzon, kasama na ang Metro Manila.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply