UPDATE: Nanapak ng MMDA enforcer kinasuhan na

SUPORTADO ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)  ang traffic enforcer na sinapak ng motorista dahil sa away sa trapiko.

Ayon kay MMDA Traffic Discipline Office head Yves Gonzalez, ikinasa na nila ang kasong direct assault laban kay Robert Carabuena.

Sa kumalat na mga video, nakitang sinapak at pinagmumura ni Carabuena ang tauhan ng MMDA na si Saturnino Fabros.

Napag-alaman na mahigit 27 taon ng traffic enforcer si Fabros habang si Carabuena ay nagtrabaho sa isang cigarette company.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply