UPDATE: Patay kay ‘Gener’ 26 na

UMAKYAT na sa 26 ang naitalang namatay dahil sa pananalasa ng Bagyong Gener sa bansa, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Base sa panayam sa radyo kay NDRRMC Executive Director Benito Ramos, may tatlo pang nadagdag na biktima ang kanilang naitala ngayong araw.

“Nadagdagan na, 26 na ngayon, ito ay nanggaling sa Region 7. Dalawa (2) doon sa sa Bayawan City, Negros Oriental; dalawa (2) rin dito sa Sagay City Negros Occidental; isa (1) dito sa Kinoguitan, Misamis Oriental; isa (1) doon sa Obando, Bulacan; at isa (1) sa Mariveles, Bataan,” ayon kay Ramos.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply