UPDATE: Patay sa hagupit ng Habagat 66 na

PUMALO na sa 66 ang bilang ng namatay habang may siyam pang naiulat na nawawala bunsod sa halos isang linggong pananalasa ng Hanging Habagat sa bansa.

Sa pinakahuling report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 47 sa naturang bilang ay namatay dahil sa pagkalunod habang ang 11 naman ay dahil sa landslide, apat sa pagkakuryente, dalawa sa atake sa puso at isa ang nabagsakan ng puno.

Ayon pa sa talaan, pinakamaraming kaswalidad sa National Capital Region (NCR) na umabot sa 30; 19 sa Region III, 12 sa Region IV-A; apat sa Region I at isa sa Region IV-B.

Samantala, nagpapatuloy pa rin ang ang pagtaas ng bilang na naapektuhang pamilya at base pa rin sa huling talaan umabot na ito sa 600,000 na o halos 2.7 milyong indibidwal mula sa Regions 1, 3, 4-A, 4-B, 6 at NCR.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply