UPDATE: Patay sa hagupit ng Habagat 60 na

UMAKYAT na sa 60 ang naitalang namatay habang pito naman ang nawawawala sa hagupit ng Habagat sa National Capital Region (NCR) at ilang mga karatig na lalawigan.

Base sa huling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na inihayag ni Executive Director Benito Ramos, pinakamaraming naitalang casualties pa rin ay mula sa NCR na umaabot sa 26, Central Luzon na may 19 habang tatlo naman sa Region 4-A.

Kaugnay nito, inihayag ng NDRRMC na sapat na sapat ang relief goods na inilaan ng gobyerno sa higit na dalawang milyong katao na naapektuhan ng matinding pagbaha.

Humingi rin ng tulong si Ramos sa mga nais na mag-volunteer na maghahatid ng mga relief good, tubig at iba pang mga kagamitan sa mga binahang lugar.

Inamin din ng opisyal na ilang araw pa ang dadaan bago makabawi sa matinding pagbaha ang mga apektadong pamilya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply