UPDATE: Philippine Legion of Honor iginawad kay Robredo

IGINAWAD na ni Pangulong Benigo Aquino III kay Interior Secretary Jesse M. Robredo ang Philippine Legion of Honor.

Ang citation ay binasa ni Budget Secretary Butch Abad.

Tinanggap naman ng biyuda ni Robredo na si Atty. Leni Robredo ang parangal.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Leni na tinatanggap niya ang parangal na kumikilala sa mga naiambag ng kanyang esposo sa bansa at mga achievement na nakamit.

Nagpasalamat din si Leni kay Pangulong Aquino.

Maging si Social Welfare Secretary Dinky Soliman ay pinasalamatan din ni Leni dahil sa pagtulong nito sa kanyang pamilya noong hinahanap pa lang ang kalihim sa bumagsak na eroplano.

Pinasalamatan din ni Leni ang iba pag miyembro ng Gabinete, mga lokal na opisyal ng Masbate.

Sa kanyang mensahe, binalikan din ni Leni ang pangyayari noong araw na maganap ang plane crash.

Ang Legion of Honor ay ang pinakamataas na pagkilala na maibibigay ng Pangulo sa isang indibiduwal na hindi na kailangang dumaan sa Kongreso.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply