Update: PNoy dumating sa Masbate

DUMATING sa Masbate ngayon umaga si Pangulong Benigno Aquino para sa patuloy na search and rescue operations sa nawawalang Cessa plane na kinalulunanan ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo.

Si Pangulong Aquino, ayon sa report, ay sakay ng C-130 ng Philippine Air Force. Kasama ni Aquino na dumating sa Masbate si Department of Transportation and Communication Secretary Mar Roxas.

Kasalukuyang nagsasagawa ng briefing ang mga lokal na opisyal para ipaabot sa Pangulo ang mga pangyayari at update sa ginagawang search and rescue operatios.

Bumagsak ang Cessa plane dakong 4:20 ng hapon. Lunan ng nasabing eroplano ang tatlo katao kasama si Robredo.

Ayon kay Masbate Gov. Dayan Lanete, nakilala ang nakaligtas sa pangalang Abrasado, aide de camp ni DILG Sec. Jesse Robredo habang wala pang pagkakakilanlan sa dalawa pa nitong kasamahan.

Naganap ang insidente dakong 4:20 ng hapon, may 200 metro mula sa dalampasigan ng naturang lungsod, habang lumilipad ang eroplano mula sa Mactan Airport sa Cebu patungo sa Naga City.

Napag-alaman na nag-i-emergency landing ang naturang eroplano sa Masbate nang bumagsak ito sa dagat kung saan agad itong lumubog.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply