UPDATE: PNoy nasa Basilica Minore de Nuestra Señora de Peñafrancia na

DUMATING na ngayon si Pangulong Benigno Aquino III at mga miyembro ng Gabinete sa  Basilica Minore de Nuestra Señora de Peñafrancia kung saan nakalagak ang labi ni Interior Secretary Jesse Robredo.

Pangungunahan ni Pangulong Aquino ang state funeral rites para sa kalihim.

Dakong alas-10:00 ng umaga ay magsisimula ang huling misa para kay Robredo sa Basilica at pagkatapos nito ay igagawad ang Philippine Legion of Honor na may rank na Chief Commander.

Bago ilabas ang casket ng mga bearer mula sa Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP), gayundin ng mga miyembro ng Gabinete bilang honorary pallbearers ay inaasahang magbibigay ng talumpati ang balo ni Robredo na Atty. Leni Robredo bilang pagtanggap nito sa parangal. Maging ang Pangulo ay inaasahang magbibigay ng kanyang huling mensahe para sa kalihim at sa pamilya nito.

Susundan ito ng departure honors sa pamamagitan ng paggawad ng AFP ng 19-gun salute.

Sunod ay ilalagay ang casket ng kalihim sa isang trak na punom-puno ng mga bulaklak at maglalakad ang mga makikiramay patungong Funeraria Imperial.

Pagsapit sa punerarya, magkakaroon ng three-volley salute ang 21 sundalo na susundan ng pagtugtog ng Taps.

Magtatapos ang state funeral pagkatapos alisin ang bandila ng Pilipinas sa casket ng kalihim at maibigay sa balo nito na si Leni Robredo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply