Update: Rescue operations patuloy sa mga sinalanta ng tubig baha

Update: Rescue operations patuloy sa mga sinalanta ng tubig baha

MISTULANG  Ondoy part two na ang nararanasang pagbaha dahil lagpas tao na at lubog na ang mga kabahayan sa maramiong lugar

Lubog na ang bahay ng mga residente sa gilid ng Tulyahan River sa Fairview, Quezon City.

May tatlong bahay na ang inanod ng tubig baha.

Patuloy din ang rescue operation sa Sta. Monica, Quezon City para masagip ang mga pamilya na lubog sa tubig baha.

Sa Barangay Damayang Lagi, tapat nga De Los Santos Medical Center, may 1,500 pamilya pa ang kailangan ilikas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard. Inuna ng rescue team ang mga bata at matatanda na nasa bubungan na ng mga bahay.

Pansamantalang naantala ang rescue operation sa Damayang Lagi dahil nabutas ang rubber boat na ginagamit ng mga tauhan ng coast guard rescue tean nang sumabit sa matulis na bagay ang kanilang rubber boat.

Nanawagan muli sa PCG at Philippine Navy na kagyat na magpadala ng mga gamit para masagip ang mga naiwan pang pamilya dahil lagpas tao na ang tubig baha.

Sa West Riverside, Parkway Village, Roxas District, Talayan Village, Sto. Domingo, lagpas tao na ang tubig baha at nangangailangan ng kagyat na mailikas.

Ayon kay Valenzuela Mayor Sherwin Gatchalian maraming lugar ang lagpas tao ang tubig baha. Ang mga lugar na dating hindi binabaha at binabaha na ngayon dahil sa umapaw na Tulyahan River, ayon kay Gatchalian.

Sa ngayon, humihingi ng tulong ang lokal ma pamahalaan para mabilis na masagip ang mga residente na na-trap sa kanilang mga bahay .

Ayon sa isang nagngangalang Federico, trap na sila sa loob ng kanilang apartment. Aniya, malakas ang agos ng tubig sa Marulas, Valenzuela at nasa second floor na ng bahay ang mga tao habang ang ibang naman ay nasa bubungan na.

Sa Las Pinas City, hanggang baywang o hanggang dibdib ang tubig baha sa Alabang-Zapote road at ilang barangay. Nanawagan rin ng libreng sakay ang mga stranded.

Samantala, mahigit 1,000 pamilya na ang kasalukuyang nasa sa iba’t ibang mga evacuation center sa Cainta, Rizal.

Nanawagan si Cainta Mayor Mon Ilagan ng agarang ayuda para matulungan ang mga nasa evacuation center.

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply